| |
| |
 | KABIGUAN | Nov 20, '08 10:52 AM for everyone |
Namamasyal ako sa isang mall nung isang araw ng biglang makasalubong ko ang isang taong diko na sana nais pang makasalubong sa tanang buhay ko... ang dati kong kasintahan.
Iiwas sana ako pero huli na dahil nakita na nya ako at agad na bumati sa akin, kilala pa pala nya ako pagkalipas ng mahigit isang dekada na rin. hindi ko nga naiwasang maglakbay pabalik sa nakaraan dahil ganun ganun ang bati nya sakin gaya dati, biglang aaliwalas ang nakasimangot nyang mukha dulot ng parati kong pagdating ng huli sa oras ng aming napagkasunduang tagpuan.
Nagkabalitaan kami, kumustahan, kwentuhan ng mga kasalukuyang pangyayari sa aming mga buhay... may asawa na pala sya.
Nahalata ko agad sa mga mata nya ang lungkot, at pait na pilit nyang ikinukubli sa twing magtatanong ako tungkol sa kanyang asawa. iniiwas nya ang usapan kapag ito ang paksa pero dahil sa kuryusidad ay dahan dahan ko namang ibinabalik sa paksang iyon. pero siguro'y nahuli ko ulit ang tiwala nya o baka dahil sa wala syang mahingahan ng kanyang problema ay umamin na rin sya sa kanyang suliraning sa kanyang asawa.
Babaero pala ito kali-kaliwa ang pambabae, at itong huli daw ay di na nya talaga matanggap dahil sa may kinahuhumalingan daw ito na syang dahilan ng halos dina pag-uwi ng lalake sa kanya. ang masakit pa nito kaibigan nya at klasmeyt pa nya nung highschool ang babae. Bakas sa mukha at tinig nya ang di maipaliwanag na kalungkutan sa bawat katagang kanyang binibitawan. halo halong sakit, pagtitiis, pagkabigo, pagsisisi, pagtitimpi, panghihinayang, kawalang pag-asa, at matinding dagok ng tadhana ang naaaninag ko sa hapis nyang mga mukha.
Haaaayyyy...! diko maatim na titigan sya sa ganitong kalagayan, parang dinudurog ang puso ko. parang gusto kong akuin ang lahat ng problema nya gaya ng ginagawa ko sa kanya dati. ayokong nakikita syang malungkot, ayokong nakikita syang nasasaktan, ayokong nakikitang syang lumuluha, anak ng tinapay! ayokong nakikita syang ganito!
Biglang may sumumbat sa isang bahagi ng aking isip, diyatat may pagtingin ka padin sa babaeng iyan!? akala ko ba eh ayaw mo na syang makita, hindi ba't sya ang nanakit sa iyo, hindi ba't dati ikaw ang nasa kalagayang malungkot at naaapi!? pero ibang usapin yan! pagtatanggol naman ng isang bahagi ng aking isip, iba ang sitwasyon nya sa ngayon, higit na kailangan nya ng isang kakampi sa ngayon kasya isang kalaban.
Naisip ko, bakit kaya nangyayari sa kanya ang mga ito... matino naman syang babae, walang bisyo dati, malambing, maalalahanin, maasikaso sa bahay, masinop, maganda, seksi, marunong magluto, walang arte sa katawan, simple sa mas pinakasimple, kumbaga perpektong maybahay naman, ang tangi ko lang maisusumbat sa kanya ay ang masakit na pangyayaring ginawa nya sa akin noon, pero hindi na dapat pang ungkatin ito sa kasalukuyang kalagayan nya.
Nasa ganung pagtatalo ang aking isip ng magyakag syang maupo muna daw kami sa isang restaurant para naman magkakwentuhan ng maayos at mahaba haba dahil sa naghahanap nga daw talaga sya ng kakwentuhan, ng mahihingahan ng sama ng loob, ng mapagsusumbungan. gusto ko sanang sabihin dapat di ako ang niyakag mo, dipa ako mayor! nagpahinuhod ako ng sabihin nyang treat nya daw yun, hehehe. pero syempre di ako pumayag, LALAKE ata ako.
Umorder sya ng alak pagkatapos naming kumain, nabigla nga ako dahil di naman sya umiinom dati, "natuto ako ng mapangasawa ko sya" may pait pa din sa tinig na wika nya, uminom ng ilang shot, inabot sakin ang isang baso at akmang tatagayan ako pero mabilis kong sinabi "no thanks! hindi na ako umiinom." "talaga lang ah! kelan pa?" ang may paghahamon nyang tanong. matagal tagal na rin wika ko sa mahinang tinig. "Bakit? iniwan mo na ba ang pagkalalaki mo?" ang medyo may pang-uuyam nyang tanong sabay ngiti ng may pait. hindi ko alam kung nalasing na sya sa ilang shot ng alak na iniinom nya o lasing sa kalungkutan at hinagpis kaya nya nasabi iyon. malungkot pa din sya habang tumutungga ng alak, animo'y hindi nya nga ako kasama dahil parehas kaming tahimik at manaka-naka lang kung mag-usap, marahil ay nagpapakiramdaman lamang o iniiwasan lang kapwa maiugnay ang kahapon at ang ngayon.
Panay padin ang tungga nya sa alak ako nama'y panay ang tungga ng iced tea. Maya maya'y nagsalita sya na muntik ko ng ikalunok ng straw. "pwede ba tayong lumipat ng motel?" Biglang paling ng mukha ko sa kanya, sya'y blangkong nakatitig sa bote ng alak. inapuhap ko kung sa kanyang tinig nga ba ang narinig ko. nagpalinga linga ako, bigla syang nag-angat ng mukha at tumingin ng mariin sa mga mata ko... "bakit, ayaw mo?" "ha! ah, eh! kasi'y" nagkandabuhol buhol ang dila ko, bumilis ang pintig ng puso ko. nakikipag-unahan ang isip ko sa dila ko, gustong sabihin ng dila ko "sige ba! tara!" pero tumututol ang isip ko."wag kang mag-alala its my treat" ang wika nya. na lalo pang nagpakaba ng puso ko.
Sige na pagbigyan mo na ako, gawin mo na sa akin ito, ang may pang-aakit na nyang paanyaya. Nakita ko sa kanyang mga mata na nais nya lang maghiganti kaya nya lang nais gawin ito. lalo lang tuloy akong naawa sa kanya, tila nadurog ang puso ko. umayaw ako... hindi ko magagawang pagsamantalahan ang nalilito nyang puso at isipan. hindi ko maatim na alisin ang natitira pa nyang dangal sa kanyang pagkababae. hindi ko magagawang dungisan ang kanyang pagkatao na nagrerebelde dahil sa nadaramang lungkot at pagkaapi.
Ano ka ba Marisol ang medyo may kataasang boses na sawata ko sa kanya. Hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang isang pagkakamali, hindi matatahi ng lubid ang hiwa ng isang labaha, hindi mapaghihilom ng kasalanan ang gurlis sa iyong dangal, lalo lamang madaragdagan ang iyong pagkaapi... Kadalasan ang pagkaapi at pagkabigo ay hindi naitatama ng pagrerebelde.
Bumangon ka at mamuhay ng may dangal, lumakad ka sa daan ng buhay na walang nilalabag na batas ng Dios at ng tao, bandang huli mabubuhay at mamatay kang tahimik at payapa.
Marahil kung di dahil sa nainom nya ay umiyak na sya at napahiya pero dahil malamang sa espiritu ng alak (o ng kanya mismong puso) kaya nasabi nya pa na "sayang! sana kung tayo na lang ang nagkatuluyan, siguro'y naging maligaya pa ako ngayon."
"Sige ingat na lang sa pag-uwi, salamat sa oras!" sabay tayo at dere-deretsong tinungo nya ang pintong labasan ng restaurant na iyon.
Wala akong ibang nagawa kundi ihatid na lang sya ng luha ng aking mata, at ng panghihinayang ng aking puso.
 | Ligaw... | Sep 29, '08 3:47 AM for everyone |
Nautusan ako ng boss ko sa trabaho na pumunta sa Antipolo nitong isang araw para kuhanin ang iniwan nya doon na sasakyan, kung bakit ba naman may sasakyan sarili eh iniwanan at naki-angkas sa kaibigan nya, ewan kung nagtitipid o sadyang adik lang talaga. Maulan ng mga oras na iyon, at dahil sa layo na din ng ibibyahe mula cavite hanggang antipolo nag-empake pa ako ng ilang makukukot sa aking bag (takot akong magutom eh). At gaya ng nakagawian na kinakailangan ko ng sketch para sa pupuntahan ko dahil isa akong taong kuto, ibig sabihin madaling maligaw, ilayo mo lang sa ulo ng tao kahit isang dipa din a makakabalik ito. kumbaga sa pusa di mo na kailangan itawid pa ako ng ilog para iligaw, dahil dalawang metro lang akong malayo sa nakasanayan ko ng puntahan eh tiyak di na ako makakabalik. Ang mas nakakahiya pa nito ay koreano pa ang nagbigay sa akin ng sketch para sa pupuntahan ko, para tuloy bigla akong binulyawan ng kunsensya ko ng "MAHIYA KA NAMAN" parang ikaw ang dayuhan sa bansa mo ah. At para di mahalata na may dugong kuto nga ako, umu-oo lang ako ng umu-oo kapag tinatanong nya ako kung alam ko ba daw o naiintindihan ko ba daw yung tinuturo nya, mayabang ko pangang sinabi na madali lang pala eh. Pero dahil duda at baka lalo akong iligaw nung koreano nagtext ako sa mga kaibigan na maaring malapit o nakapunta na sa lugar na pupuntahan ko, may nagtext na dun ako sumakay para mapabilis daw ako, meron naman na dito sa ganito naman daw, at merong sa ganito at sa ganyan. Patay! sabi ko, lalo atang lumaki ang problema ah. Minabuti kong sundin ang pinakapinagkakatiwalaan kong kaibigan, sa edsa circle daw dun ako sumakay sure daw yun sabi nya pa. kaya pagdating sa circle agad akong nagtanong kung saan pwedeng makasakay papuntang antipolo, naituro naman ng walang kahirap hirap ng isang nagtitinda ng sigarilyo. yun nga lang narating ko ang sakayan ng hirap na hirap, akalain ko bang malayo pa pala iyon at paikut ikot pa (kaya pala circle...) Sakay ng jeep, tanong sa driver, ma! dumadaan ho ba ito sa Cogeo? Cogeo ba kamo? ulit pa ng driver, uhm dapat eh dun ka sumakay sa highway sa edsa mismo yun mga yun deretso na talaga dun, nalintikan na! mali pa nga ata ang napuntahan ko, sabi ko na kasing wag akong magtitiwala sa kaibigan kong iyon eh grrrrr... Pero pwede kitang ibibaba sa simbahan tapos may dumadaan dun na byaheng cogeo, ituturo ko na lamang sayo kung saan ka sasakay, ay manong salamat po! naibulalas ko na lamang, parang gusto ko syang yakapin ng pagkakataong iyon at siilin ng halik kung diko lang naamoy ang nagpapawis nyang kili-kili. next time na lang ika ko, ako nga eh pawis na pawis na din tapos sisimsimin ko pa ang pawis ng may pawis, kung bakit kasi napakainit dito sa manila samantalang sa amin naman eh umuulan at maginaw, nakajacket pa mandin ako ng maong at siksikan ang mga pasahero sa kulob na pampasaherong jeep, anak ng tatay! mamatay ata ako dito. Lumipat ako sa unahan ng jeep katabi na ni manong driver diko na matatagalan sa loob ng jeep . makalipas pa ang halos isang taong pag-iintay na mapuno ang jeep lumarga nadin kami sa wakas, umalwan ng kaunti ang paghinga ko dulot ng pakalanghap sa hangin na may kasamang carbon dioxide, carbon monoxide, mangilan-ngilang oxygen, at iba’t ibang foreign particles. May katagalan din ang byahe kaya gaya ng nakagawain ko na para matanggal ang inip nagbasa muna ako ng dala kong libro, maya maya pa’y dumalas na ang pag-ahon at pagkurba ng aming sinasakyan na pahiwatig na malapit na ako sa bundok na malapit na sa antipolo. Ilang matatarik na ahon pa at narating na namin ang bayan ng Antipolo, “dyan ka sumakay, sabihin mo lang sa cogeo ka kamo” sabi ng driver sa akin hudyat na pinabababa na nya ako, at ayaw na nya akong katabi. Tricycle ang itinuro ni manong na sasakyan ko, agad akong lumapit sa nakapilang mga tricycle at nagtanong kung doon nga ang sakayan ng papuntang cogeo, ayos! Sa pagkakataong ito di ako iniligaw ng nagturo sa akin eto nga daw, dun sa unahan boy, itinuro nya ang pinakaunang nasa pila, yun daw ang palakad. lapit ako sa tricycle may isa ng sakay , ayos sabi ko wala talaga akong planong magpa-special ngayon at baka maubusan pa ako ng pamasahe, at swerte tsiks pa ang sakay… Pasimple kong sinulyapan ang babae, ehem! Maganda! Mahaba ang buhok, at maputi! Pasok sa panlasa, sabaw pa lang ulam na… nakaputing uniporme ito di ko alam kung nurse, midwife, duktora, masahista, o white lady sa balete. Umupo ako sa tabi nya, hmmmm…. Naamoy ko agad ang halimuyak ng pabango nya, “cool water” sarap naman! Pag ganito ng ganito ok lang maligaw kahit ilang araw. Naghintay pa kami ng ilang sandali dahil apat na pasahero pala ang kailangan para lumakad, ayos lang kahit magdamag kami dito. Maya-maya may sumakay ng isang lalaki tapos kasunod ang isang ale at isang batang babae na sa pakiwari ko’y mag-ina. Nung una’y nag-atubili pang sumakay ang babae dahil hindi kakasya ang apat sa loob ng tricycle. Yari! Sabi ko, sarap pa naman sana dito sa loob dahil bukod sa kumportable ka sa pag-upo may katabi ka pang maganda at mabango. Kaya lang ganyan talaga ang mga maginoo dapat magbigay, at kailangan itaas ko ang bandera ng mga lalaki bilang magagalang kaya labag man sa loob ko kinakailangang lumipat ako sa likod, sayang! Nasa ganun akong pag-iisip ng biglang marinig ko na lang, “dito na lang ho ang bata, at dito na kayo misis” niresolba na pala ni manong tsuper ang pinuproblema ko. Pinaupo nya sa tabi naming sa may maliit na upuan ang bata at si manang ay sa likod na lamang. Tututol pa naman sana ako at magpupumilit na doon na lamang ako sa likod dahil baka naman isipin eh wala akong amor propio, ngunit mabilis na kumilos ang ale at nagulat na nga lang kami nung katabi kong babae ng biglang isalpak na lamang sa tabi namin yung anak nya na may supa-supa pang banana que sa bibig, mabilis na sumakay sya sa likod at lumarga ang tricycle. Kyut ang bata, tantya ko’y nasa tatlo o apat na taon pa lamang ito, bungi ang mga ngipin, nakakatuwa tuloy panoorin habang kumakain ng banana que dahil di nya makagat ang saging at puro asukal lang ang nakukuha nya. Nagmistula naman kaming mag-asawa nung katabi kong babae(huh!? Asawa? Agad!) dahil parehas kaming nakaalalay sa kanya. Hawak ko ang braso ng bata at nakaalalay sa may pintuan ang mga tuhod ko baka biglang gumewang ang tricycle at tumilapon ito malubak pa naman ang dinadaanan namin. Yung babae naman eh nakaalalay sa may bewang habang panaka-naka’y itinataas nito ang spaghetti strap nung bata, at pinupunasan ang pawis nito. Huwaw naman! Husband na husband ako at wife na wife naman ang dating nya! ganito pala ang pakiramdam ng isang ama, para tuloy gusto ko ng mag-asawa agad eh… Diko tuloy maiwasang hindi mapatitig sa mukha nya habang magiliw nyang inaayos ang damit ng bata. Maaliwas ang mukha nya hindi mo kakikitaan ng pagkayamot kahit na ginawa syang instant nanay nung ale, may kakapalan ang kilay nya na parang bumbay ang dating na lalong nagpatingkad sa bilugan nyang mga mata, at ang ilong hindi naman matangos pero hindi naman pango kundi katamtaman lamang kumbaga sa coke “sakto”, ang pisngi nya parang kings bed kaylambot higaan, mamula mula pa at nung ngumiti lumabas pa ang biloy, bumaba ako ng tingin nahagip ng mata ko ang labi nya, makipot , at tila malambot ang malarosas na balat, pakiwari ko’y napakatamis nitong halikan, bumaba pa ako ng tingin ang baba naman nya ang napagdiskitahan ng mata ko, parang bulkan mayon kayganda ng hugis hindi mo naman sasabihin matulis na parang takong ng high heels na sapatos kundi hugis mangga at kaykinis pa, bumaba pa ulit ang paningin ko ang leeg naman ang namasdan ko, ang kinis at ang puti parang bulak na malambot ang kumikibot kibot pa nitong kabuuan dulot ng malimit na paghinga, parang kaysarap humimlay dito kahit isang taon! At bumaba pa ulit ang aking mata, at bumaba pa ng bumaba hanggang sa marinig ko na ang “bumaba ka na! dito na yung bababaan mo” yung driver pala namin at inginunguso sakin ang isang may kaliitan lang na building, sayang sabi ko! Malapit na sana ako eh, (malapit ng mainlove! Ano ba!) gusto ko pa sanang magtagal sa loob ng tricycle para sana makapiling pa ang magandang binibini at mahingi man lamang ang kanyang numero, pero napilitan na akong bumaba dahil mataman na akong tinitigan ni manong driver na para bang sinisinghal na akong magmadali sa pagbaba at naaabala sya sa byahe nya. Dali dali na akong bumaba at naghagilap ng muling mapagtatanungan “ito ho ba yung cherry mall?” tanong ko sa cigarette vendor na candy na lang ang tinda. Diko napigilang lingunin ulit yung binibini sa sinakyan ko kanina, pagharap ko nakatingin sya sakin at nakangiti po naman ng pagkatamis-tamis, haaayyy… parang lumulutang ata ako sa alapaap nung oras na iyon,kay sarap sa pakiramdam. “ano kamo ang hinahanap mo?” hoy! Ano kamo ang hinahanap mo!? Ay sorry ho manong, yun pong cherry mall, dito na po ba yun? “cherry mall? Abay walang ganyang mall dito.” Patay!
Swerte! medyo maaga-aga akong nakauwi ngayon, o mas magandang sabihin nakauwi ako ng gabi, malimit kasi para akong pokpok sa ermita o bampira sa london na halos umaga kundi man madaling araw nakakauwi sa bahay. Pero ngayon dahil sa maaga akong nakatapos ng gawain eh nakalabas din ako sa trabaho ng pasado alas nueve, gaya ng dating gawi para makarating sa bahay kailangan kong sumakay ng dyipni at magmadali ng maumpisahan ko ang paborito ko sanang subaybayin telenobela sa tv ang KIM SAM SOON!
At kita mo nga naman! ang swerte talaga! parang bertday ko nung araw na yun dahil sunod sunod ang bwenas, pagtawid ko palang ng kalsada nakasakay agad ako ng dyip na kadalasan eh lingguhan kong dumaan at talagang tutubuan ka ng ugat sa paa kaaantay sa kanila, isa ngang dahilan ito kung bakit nahuhuli ako ng uwi sa bahay dahil sa madalang ang byahe sa amin pagsapit ng mga ganitong oras.
Pagpara ko halos dipa humihinto ang dyip ay sumampa na ako dahil sa sobrang excited. At talaga namang parang pangarap kong jackpot! iba ang ambiance ngayon ng sinasakyan kong dyip , maaliwas ngayon sa loob ng dyip dahil iilan lang kaming sakay, madalang mangyari ito dahil kalimitang nasasakyan ko eh sisikan na kayo sa waluhan lang sanang upuan pero ginagawang sampuan ng mga tsuper na walang bukambibig kundi, kasya pa! kunting usod lang ho… maluwag ho yan dahil araw araw ginagamit yan.
At pag ganun na ang sinasabi ng mga tsuper naku! Humanda ka ng umupo sa di mo nakikitang upuan, opo! Meron silang di nakikitang upuan, ligaw na kaluluwa ng upuan ata tawag nila dun, yun bang tipong nakaupo ka nga pero parang niloloko mo lang ang sarili mo na nakapwesto kang parang nakaupo pero ang totoo eh naka-iskwat ka lang! Yun parang ginagawa mo lang sa CAT nung hayskul dahil di naman talaga nakalapat ang pwet mo, yun nga lang ang lamang mo sa kanila eh nakakapit ka sa hawakan sa may kisame ng dyip para kahit papano eh tatagal ka sa byahe, yun eh kung nakainom ka ng tubig ng baterya.
Pero ngayong byahe namin maalwan dahil iilan lang kami, tatlo lang ang nakaupo sa katapat kong upuan, isang aleng mukhang di ale dahil 2 inches lang taas nya sa lupa,babahagya na ngang umabot ang paa nya sa sahig ng dyip eh, at dawalang magsyota na parang nasa luneta lang kung maglampungan, sa katabi ko naman eh anim kami, dalawang nilalang na halata mong mag-asawa dahil hanggang dito’y dala ang pamumunganga ng babae, isang babaeng mukhang guro na mukhang sekretarya, isang binatilyo, at isang binatilyah!
Sarap talaga ng byahe ngayon, biruin mo may ilaw pa si manong drayber sa kisame, magandang pagkakataon para tapusin ko ang matagal ko ng binabasang libro, kinuha ko sa bag ang sipi ng nobelang “dekada 70” binuklat sa may palatandaan kong pahina at nag-umpisa ng magbasa, maya maya’y may nakikiabot ng bayad muntik ko na ngang di marinig dahil nakatutok ako sa pagbabasa, inabot ko ang bayad ng di tumitingin sa nag-abot, ipinasa ko sa sumunod na katabi ko sabay sabing “bayad daw ho” sabay unat ng kamay ko.
Aba! Eh nakaramdam ako ng pangangawit dahil limang oras pitong minuto, tatlong segundo at isang sandali na atang nakaunat ang kamay ko eh walang umaabot ng bayad, tiningnan ko yung katabi ko, aba.. ang lolah mo nakatalikod pala sakin at di pinapansin ang ipinakikiabot ko, nakatapat pa sa bintana ang babaeng mukhang teacher na mukhang sekretarya ng punerarya, nagpapalipad pa ng buhok sa hangin na nanggagaling sa bintana na parang nag-eemote lang sa koreanovela.
Inulit ko ang sabi ko at ngayo’y medyo malakas na baka kako di lang naririnig “BAYAD DAW HO!” sabi ko. Aba ang lekat talagang parang namatanda sa tabi ng bintana di talaga pumipihit para abutin yung bayad, buti na lang at naaawa na yung nasa dulo ng kabilang upuan at umisod papunta sakin para abutin ang bayad. siguro naawa na sakin dahil sa nangangalay na kamay ko o kaya eh nagmumukha na akong tanga dun.
Diko na sya pinansin at nagpatuloy na ako sa pagbabasa. Maya maya may nagpaabot na naman ng bayad, inabot ko ulit at ipinasa sa katabi ko, “bayad daw ho” sabi ko ulit, na inisnab na naman ulit ng babaeng parang guro na parang sekretarya ng punerarya, at talagang nawili ata sa pagsasite-seeing sa madilim na kalsada ang loka at di pinapansin ang mala-pavaroti kong boses.
Naawa ulit yung nasa kabilang dulo sa kabilang upuan at inabot na naman ang bayad. “salamat ho” ang sambit ko ng may diin para iparinig ng husto sana sa katabi ko.
Nakailang tigil ang dyip at nakailang manhik-manaog din ang mga pasahero at nakailang paabot din ng bayad na nakailang isnab din nung nakakailang na katabi ko. Badtrip talaga kako ito ah, mukha pa naman atang guro pero parang di astang guro ah! Buti sana kung tama ang sapantaha ko na sekretarya talaga sya ng punerarya eh baka maunawaan ko pa, pero kahit na siguro! Kahit tama nga ang hinuha ko aba’y dapat naman sana edukada syang tao magkaroon man lang sya ng GMRC o kaya eh Values education, kahit nga grade 1 alam na yun eh.
Iaabot mo lang yung bayad nung mga katabi mo dahil malayo sila sa drayber alangan nga namang tumayo pa sila sa makipot na dyip na yun para iabot ang bayad nila habang umaandar yung dyip. Siguro naman kahit walang batas na ipinatutupad ang senado sa ganung kalakaran sa dyip eh dapat makiayon ka bilang tao man lang kahit hindi na bilang edukado.
Pero talaga nga atang matigas ang mukha dahil kahit ngayong nakaharap na sya at harapan na akong nakikiabot ng bayad sa kanya abay deadma ang mahadera! Ni hindi man lang tumitingin sa iniaabot ko gayong sa mismong harapan ko na inaabot sa kanya! Nakaramdam ako ng pagkainis, feeling mayaman kako ito ah, abay dapat sana bumili sya ng sariling sasakyan kung ayaw nya ng ganung sistema sa loob ng dyip, bulong ko sa sarili ko, dahil ang ganung sistema sa dyip eh pagpapakilala na nga ng ugaling pinoy bilang matulungin at magalang, ewan ko ba dito sa katabi ko!
Di naman sya maganda! nagfefeeling maganda pa ata, mukhang ngang nakapag-aral, eh ano naman ngayon kahit pa suma cum laude sya kung ganun naman ang asal nya eh para lang din syang row 4! Nadagdagan ang inis ko nung sya naman ang bumunot ng bayad nya, gusto ko pa nga sanang sabihin sa mga katabi nya na wag din abutin ang bayad at hayaang magkandahaba ang kamay at mapunit ang kilikili nya sa pag-abot ng bayad nya eh, pero diko na pala kailangang gawin yun dahil ang lekat eh ganun eksakto nga ang ginawa!
Ang bayad nya eh pilit na iniabot sa mismong drayber kahit pa limang milya ang agwat nilang dalawa, di talaga nakiabot sa mga katabi, talagang napikon na ako. Ano kako ang gustong palabasin ng sekretarya ng puneraryang ito!
Para bang kaya nyang mamuhay mag-isa, o gusto nyang sabihing di nya kailangan ang tulong ng iba, o baka minamata nya ang mga naroroon ng pagkakataong yun dahil tingin nya eh napakataas nyang tao.
Talagang napikon na ako ng husto noon, kung isa lang akong dragon baka nabugahan ko na sya ng apoy! Nakakainis! Halata mo sa kanyang mukha ang tayog ng pagkakilala nya sa kanyang sarili, di man sya nagsasalita pero malakas ang tinig ng reaksyon ng kanyang mukha na minamata nya ang mga karaniwang tao, ipinaghihiyahawan ng nakataas nyang noo at ismid na mukha, na ibahin sya ng mga tao dahil hindi sya pang karaniwan, gayo’y nasa karaniwang sasakyan lang sya.
Bumaba sya sa isang mgandang subdibisyon…
Kaya pala sabi ko! Sinundan ko pa sya ng matalim na tingin sabay banta sa isip ko na wag syang dadaan sa bahay namin dahil ipapahabol ko sya sa aso!
Ako naman eh bumaba sa isang iskwater sa sumunod na kanto. Habang tumatawid diko naiwasang di tumingin sa bandang lugar na binabaan nya, at nasabi ko sa sarili ko...
“sino kaya ang mas iskwater sa atin!”
Ibig ko sanang umawit Upang sayo'y iparinig Ngunit mailap ang tinig Liriko'y tila may bikig
Nais ko rin ay kumatha Ng mga tugtuging makata Ngunit tinta'y lumalawa At panulat nanlalata
Kailangan ko ng nota Upang tula'y maging kanta Kailangan ko'y musika Nang letra'y maging gitara
Nais ko ring tumula Ngunit kulang ang salita Ninanasa kong magsulat Datapwat letra'y di sapat
Hanap ko'y magpapasubo Ng pag-ibig sa puso ko Mangangalaga, bubuo Ng pagsuyong walang lilo
Kulang ako aking giliw Ng pagsintang walang maliw Sayo sasamo ng aliw Pag-ibig kong sadyang baliw
Katulad ng basang sisiw Walang inahing umaliw Tuloy sa ilang liwaliw Luha ang tanging kasaliw
Kulang ako aking mahal Wala saking nagmamahal Kahit man lamang pantapal Hindi ako inihalal
Kahalintulad ng rosas Sinuma'y walang pumitas Kaya't kusa lang nalagas Lupa lamang ang umagnas
Kulang ako aking liyag Sinta'y di maipahayag Nangangambang maglayag Baka hindi ka pumayag
Kagaya ng manlalakbay Na laging nakaantabay At natatakot sumabay Baka hangin ay sumablay
Kulang ako aking irog Kaparis ng tuyong ilog Sa agos ng tubig baog Sayo sana ko'y luluhog Wag ka sanang mayayamot Kung sayo ako'y umamot Sintang walang pag-iimbot Nawa'y wag mong ipagdamot
Kulang ako aking sinta Ikaw sana ang magpinta Nagdarahop kong sonata Pagkat puso ko'y paos na
Ikaw ang isinisigaw Damdaming pumapalahaw 'Yo sanang ipaaninaw Pagsuyo mong hindi bahaw
Kailangan ko'y ikaw nga Nang puso ko'y mabuo na Na nilumot ng dekada Ang sa puso'y nakabenda
Gamutin mo yaring sugat Upang luha'y maampat Sa pag-ibig kong matapat Ang "oo" mo ang sasapat
*alay ko sana yan sa psychiatrist ko bago ako nabaliw, kaso dina ata nya mababasa to*
P.S.
Inilibing ng kahapon Hinukay ng ngayon Ngunit muling ibinaon Ng pagsintang nilayon
Haaayyyyy.... buhay talaga...!
Noong bata pa lang ako wala akong hilig sa pagsusulat, sa formal theme at informal theme nga na pinapagawa ng mga titser namin noong elementary pa ako eh walang kalatuy latuy ang mga sinusulat ko doon eh, mga tipong ang isusulat ko ay masarap ang suman na gawa ni nanay noong bagong taon kapag pinaggagawa kami ng new year's resolution sa informal theme, date ko sa mga damo kapag balentayms day at bangayan ng kapitbahay namin kapag Mother's day naman. Mahilig lang talaga ako noon eh magbasa, hilig kong basahin eh yung mga kwentong pambata, mga pabula, parabula, at mga alamat, at kahit anong libro na makita ko sa school namin. Aliw na aliw ako sa mga iyon dati, parang pag binabasa ko iyon eh ako mismo ang tauhan at nasa lugar mismo ako ng pinangyayarihan ng kwento, masyado nga akong nahumaling doon kaya kahit nagkaklase na eh nagbabasa padin ako at hindi na nakikinig sa lecture ng titser ko. nasabi nga ng titser ko noon sakin baka daw pagdating ng araw at magkita ulit kami ay isa na akong abogado. hehe kakatuwa sya! di ko naman binigo ang guro kong yun, abogado na nga ako ngayon, abogado ng sarili kong opinyon na natatanggol sa sarili ko lamang papel at tinta.
Ngayong lumaki na ako ng kaunti hindi ko alam kung pano ako nagkahilig sa pagsusulat. ang tanging alam ko eh nagsusulat ako kung kailan ko gusto, hindi ko rin inaasahan na may humanga man sa mga isinusulat ko, o kaya'y purihin ang mga likha ko, ni hindi ko nga hinahangad na may bumasa ng mga katha ko eh, ang mahalaga sakin ay maisulat ko at maipahid sa papel ang damdamin ko. oo ang lahat ng isinusulat ko ay kung ano ang nasa puso ko at isipan, kung ano ang nararamdaman ko, kung ano ang pananaw ko sa buhay, sa paligid, sa tao, at sa sarili ko.
Hindi ko rin iniisip na ipagmalaki ang mga naisulat ko sa iba, hindi ko rin nais lagyan ito ng grado ng iba na para bang nagsulat ulit ako ng informal o formal theme, mas gusto ko lang na makita ang mga gawa ko. tapos balikan ko ito pagdating ng araw kung may pagkakataon pa ako para magawa ko iyon.
Pero minsan hindi mo rin pala maiiwasan na hindi ito mabasa ng iba, hindi mo rin maiiwasan na maitawid sa iba ang mga bagay naisulat mo dito. ang mga opinyon mo, ang mga mensaheng nais ipabatid ng mga sinusulat mo. at hindi mo rin maiiwasan ang mga komento ukol dito.
Sabi nila ang mga mahihilig daw magsulat ay yung mga may malulungkot na dinadaanan sa buhay, yung mga kalimitang sawi sa pag-ibig, sa buhay... mga tinakasan na ng kanilang sariling buhay, mga nasa pagitan na ng katinuan at kabaliwan. mga umani ng kasawian sa mundo. ewan ko nga ba sa kanila mga adik ata yung mga nagsabi nyan.
Pero bakit nga kaya ganun? kalimitan ang mga nagsusulat ay malulungkot ang kanilang isinusulat, mas maganda ang kanilang sulat kapag malungkot ang kanilang napagdaan sa buhay. Gaya na lamang ni jose Rizal na muntik na nyang sunugin ang kanyang obra ng makarating sa kanya ang balitang nagpakatiwakal ang kanyang mahal na si Maria Clara matapos mabigong maghintay sa kanya, at ng malaman nya ang mga nangyari sa kanyang mga mahal sa buhay. Nakasulat si Emily Bronte ng di matawaran sa gandang mga tula ito'y dahil sa mapapait na karanasan nya sa buhay.
Sabi nga eh ang manunulat daw habang naaapi, nasasawi, nakakaramdam ng kalungkutan saka lalong gumaganda ang kanilang panulat, parang sundalo na habang nasusugatan ay lalong tumatapang.
Ang isang manunulat ata talaga eh nakatalaga ng masaktan. sila ata ang ginawang instrumento ng mga kabiguan, hinagpis, ng pusong sugatan, ng sakit sa damdamin, sila ang daan upang makilala ng mga mambabasa kung ano ang kaibahan ng lungkot sa kasayahan, ng pagkabigo sa tagumpay.
Kaya walang kang kawala kung gusto mong talagang magsulat, lalo na kung balak mong maging manunulat, kailangan mong danasin lahat ng ito upang ikaw mismo ang makadama at daluyan ng mga bagay na dapat matutunan ng mga tao.
Ayaw ko naman ihanay ang sarili ko sa mga tinatawag na manunulat dahil sa kakapalan ata ng mukha kong tawagin ko ang sarili ko na manunulat, pero dala ata ng lipas ng gutom ng may nagbulong sakin na matatawag na daw na manunulat ang isang tao kapag nagsusulat na sya. ang pruweba daw na manunulat na sya ay yung mga sinusulat nya kahit na hindi daw ganun kaganda ang mga ito basta nagsusulat ka eh pwede ka ng tawaging manunulat. parang karpintero kahit di ka pa sanay gumawa ng bahay ng posporo pwede ka ng tawaging karpintero basta makabuo ka na ng silya kahit di pantay ang mga paa. Kaya pwede na pala akong tawaging manunulat. yehey!
Pero minsan parang ayaw ko na atang magsulat, ayaw kong maranasan ang mga ito. ayaw kong lumuha, ayaw kong mabigo. takot ako sa pagkabigo! baka ikabaliw ko ito. mas takot akong pagtawanan ng ibang tao. ayokong umiyak (sana), ayaw kong masaktan, at higit sa lahat ayoko ng rejection, ikamamatay ko ata ito.
Bakit kasi kailangan mo pang danasin ang mga kalumbayan bago mo maisulat kung ano ang nararamdaman ng isang nalulumbay, bakit kailangan mo munang malugmok sa kalungkutan bago mo masabi sa iba ang itsura ng kalungkutan, bakit kailangan mo pang paulit-ulit maranasan ang mabigo bago mo maipahayag sa iba kung gaano kasakit ang mabigo. bakit kailangan mo pang ilang ulit mareject bago mo maikwento sa iba ang kirot ng nababalewala, bakit kailangan pang matigmak sa luha ang iyong puso bago mo masabi sa kanila kung gaano kahirap ang maubusan ng luha, bakit kailangan mo pang masaktan sa pag-ibig bago mo masabing isang bangungot ang umibig at mabigo.
Ayokong maging manunulat kung ito ang magiging sanhi ng pagkamuhi ko sa mundo, ayokong madanasan ang masaktan dahil natatakot akong baka diko kayanin, ayoko na sanang magsulat.
Pero ano nga ba naman yung magkadurog-durog ang puso mo kung ito naman ang tulong mo sa mundo, kung ito ang bahagi mo sa sangkatauhan, kung dito sa papel at tinta maisisigaw ang kahulugan ng pag-ibig, ng pagmamahal, ng kasayahan, ng kabiguan, ng lungkot, ng tuwa, ng galit, ng pagtitimpi, ng pagpaparaya, ng pagpapatawad, ng pagsusumakit, ng galak, ng lugod, ng selos, ng pagpapakabayani, ng paghihirap, at ng iba't ibang mukha ng buhay.
Ano ba naman yung maging manhid ka pagkaminsan upang wag kang mamatay ng biglaan dahil sa kalungkutan, ng sa gayon ay maihatid mo sa mga tao ang mga bagay na kailangan nila sa buhay at mundong pinaglikhaan sa atin.
Kaya siguro lalakasan ko na ang loob ko, kakapalan ko na ang mukha ko, tatatagan ko na ang loob ko anuman ang danasin ko, at higit sa lahat pipilitin ko ng aminin sa sarili ko na magiging malungkot na lang ako sa buhay, at laging dadanas ng kabiguan.
Papayag na akong magsulat, para sa lahat... Para makatulong sa mga mahal mo...
Sige! Sulat kamay... Sulat... Ganapin mo ang obligasyong sayo'y ipinagkatiwala... Damhin mo ang damdaming sayo ibinilin... Maging ito man ay parusa sayong katauhan, o ligwak ng kabiguan... Obligasyon mong ipakilala sa kanila ang lahat ng damdaming namumuhay sa pagkatao ng isang nilalang...
Sulat kamay... sulat... Hanggang mapatid mo ang iyong sariling lumbay.
Sulat kamay... sulat... Hanggat kailangan ka pa ng mga tao.
Sulat kamay... sulat... Hanggang matigmak ng luha ang mga mata mo.
Sulat kamay... sulat... hanggang ang sariling dugo ang maging tinta mo.
Kalimitan sinasabi ng iba na boys dont cry daw, at pag ang lalake daw ay umiiyak eh duwag, o kaya bading, mahina ang loob, walang balls. sabi pa nila mas lalo na daw kapag machong macho di daw talaga magandang tignan kapag umiiyak. dahil para ka daw nakakita ng isang matipunong gladiator na nagngangawa na humihingi ng awa sa kalabang asno. Kaya para masabi kang tunay na lalaki kailangan di ka umiiyak. ang babae iyakin talaga yun, given na yan. halos lahat nag-aagree dun. Sabi ng yaya naming psychiatrist kaya daw mas malaki ang porsyento ng mga lalaking na-iistroke eh dahil sa hindi daw sila umiiyak isang factor daw kasi ito na nakakapag-cause ng breakdown, o depression, o stress, at pagkaminsan eh health problem. Ang pag-iyak daw kasi ay nakakapagpalakas ng puso at nakakapagpaganda ng daloy ng dugo. isang dahilan daw ito kaya madaming naiistroke na mga artista eh dahil sa arte lamang ang pag-iyak nila, pinapahiran lang ng vicks ang gilid ng luha para maiyak at di talaga natural na umiiyak. kagaya na lamang ni Rico Yan dahil sa hindi daw ito marunong umiyak kapag drama ang ginagampanan nyang role kaya maaga syang na-stroke. Ganun din si FPJ dahil nais nitong pangalagaan ang reputasyon nya bilang kinikilalang ANG PANDAY at hari ng pelikulang pilipino, ay hindi umiyak kahit pa parang sasabog ang dibdib nya sa sobrang sama ng loob dahil sa nalaman nyang isa lang ang lamang ng kalaban nya sa pagkatalo sa pagkapresidente at hindi isang milyon. Lalo pa syang nag-alburuto ng malaman nyang ang isang iyon ay malaon ng patay. At aaminin ko ng lahat ng sinabi ko dyan eh pawang naglaro lamang sa malikot kong imahinasyon (baka kasi higitin ng mga yan ang paa ko mamaya pagtulog ko)... Nature sa tao ang umiyak sabi ng aming tagapangaral kaya nga daw tayo nilagyan ng DIOS ng tearduct eh para umiyak, bukod kasi sa parkingan ito ng muta, daluyan ng luha ang tanging gamit ng tearduct. Pero bakit nga ba hindi daw umiiyak ang mga lalaki? o hindi ba talaga sila umiiyak? sabi ng nakausap kong alien sa isang yahoo groups sa internet, bakit ba daw kasi ang mga lalaki eh takot ipakita ang kanilang emotions, especially through crying. bakit daw ayaw nilang umiyak. hmmm... teka! ginigeneralize nyo kasi agad kaming mga lalaki eh, dapat kasi padaanin muna sa mababang ranggo, "presidente". Ako lalake ako! at sigurado ako dyan napatunayan ko na yan minsan may naghamon sakin ng larong text. pero alam mo ba kahit lalaki ako eh grabe ako umiyak? as in...!
Umiiyak ako kapag nakakapanood ng korean drama movies, yung "windstruck" saka yung karugtong nyang "my sassy girl" grabe! tatlong dosenang panyo ata naubos kong singahan nun pinanonod ko yan eh. tapos yung "sad movies" korean din nakupo iiyak ka talaga sa lungkot hehehe. ganun din yung love story at harvard (halata bang koreanovela fanatics na ako) nakakalimutan ko ngang kumain wag lang maistorbo sa eksenang talagang nagpapaiyak sakin. Sa hunterXhunter nga na cartoons at action anime eh naluluha ako pag nakikitang kong nalulungkot si tiya mito dahil sa pag-aalala kay gon eh. natawa nga ako sa sarili ko kasi minsang nanonood ako ng tv eh iniyakan ko ang isang contestant na natanggal sa isang singing contest na pinoy idol, kasi naman parang di talaga sya deserving na matanggal eh. kainis si ogie at jolina, hmp! Umiiyak ako kapag tinatalo ako ng kuya ko sa chess dati, feeling ko aping-api na ako noon kapag unti unti ng nauubos ang mga pyesa ko, kasi ba naman laro na pinaglalaruan pa ako ng kuya ko, tapos tatawanan ka pa, nakuuuu! hagulgol ako noon eh.
Sa ganyang lagay masasabi ko naman na 100% lalaki naman ako. gusto mo patunayan ko pa eh, hehehe...
May masamang hangin na dulot ata ng kinaing kamote ang nagbulong sakin na sinasabi" There is no point kasi na iyakan mo ang isang taong di ka naman pinahahalagahan."
Huh!? gulat kong sagot sa hangin... di daw dapat iyakan yung mga taong dika naman pinahahalagahan... sa isang banda tama sya diba? bakit mo nga ba iiyakan ang mga taong dika naman pinahahalagahan kahit pa napakahalaga nito sayo.
Pero dahil lalake padin ako. ginawa ko na din yan minsang pagkakataon sa buhay ko. ang iyakan ang taong kahit di ako pahalagahan... basta ang mahalaga, napakahalaga nya sa puso ko.
Alam ko di na ako mahalaga sa kanya. pero yung pakiramdam na yun ang lalong nagbukal ng luha sa aking mga mata. inilabas ko yun binayaan kong bumalong ang tubig sa aking mga mata. di lang ata iisang balde ng luha ang nailabas na ng aking mata dahil sa kanya. at di lang ata iisang dekada ko pinipilit na aminin sa sarili ko na di na talaga ako mahalaga sa kanya. Nilasing ko ang sarili ko sa lahat ng bagay na nakakalasing. para lang makalimutan itong nasa puso ko. Pinilit kong makalimot... Pero ang lagusan pala ng pagkalimot ay pagkabaliw!
bigo ako... hanggang ngayon bigo padin ako! bigo akong makalimot...
Masarap lumuha dahil nailalabas nito ang mga nakabarang damdamin sayong mga mata. Masarap lumuha dahil napapagaan nito ang bigat ng iyong mundo.
Masarap lumuha dahil nahuhugasan nito ang pait ng iyong nakaraan Masarap lumuha kapag nalulungkot ka.
Oo! lahat ng taong lumuluha ay dahil sa kalungkutan...
Pero mas masarap sanang lumuha, kapag masaya ka...
Maulan nung hapong iyon, pasilong silong si Ben sa mga bubong ng mga establisyementong may habong sa tabing daan, palundag lundag sa mga baha sa kalsada upang makarating sa sakayan ng mga dyip. Sinuong na nya ang ulan dahil sabik na syang makauwi medyo maaga aga nga sya ngayon eh, sinuwerte lang sya na nakarami ng ginupitan sa barber shop na kanyang pinagtatrabahuhan kaya napaaga sya ng uwi.
Kipkip sa dibdib ang isang balot ng espasol na paborito ng kanyang asawa, at bitbit sa isang plastic ang isang lata ng gatas para sa kanyang bunso, mabilis syang sumampa sa papaandar ng dyip, naghanap ng bakanteng upuan. sa bandang dulo na sya nakaupo nakisuyo makiisod sa dalawa na halatang magsyota dahil sa paglalampungan ng mga ito. tinitigan sya ng lalaki at umisod ng kaunti.
"Mama bayad po", di man lang lumingon ang dalawang naglalampungan para abutin ang bayad nya kaya yung nasa kabilang dulo na lang ang umabot ng bayad nya. "salamat ho," sabi nya pagkaabot sa sukli.
Di nya maiwasang di mapatingin sa katabi nyang kanina pa sweet na sweet at naglalambingan, napapangiti sya kasi naalala nya ang misis nya, ganun din kasi ito sa kanya, napakalambing kahit nasan man sila kahit sa loob ng simbahan, palengke, o kahit sa jeep. lagi din itong nakahalik sa pisngi nya, sabay bubulong ng "i love you" parang lagi silang magsyota gayong tatlong taon na silang kasal at may apat na buwan ng sanggol ngayon.
Nung napagmasdan nyang mabuti ang dalawa nasabi nya sa sarili na swerte naman nung lalaki kasi di naman ganun kagandang lalaki pero tila mahal na mahal sya nung babae, may kalakihang bulas ang lalaki, matipuno ang katawan may edad ng kaunti kesa sa babae, pero ang mukha eh di naman ganun kagwapo, parang kontrabida nga sa pelikula ang dating eh. napangiti ulit sya, iba nga naman ang pag-ibig sabi nya sa sarili .
Nasa ganun syang pagmumuni muni ng biglang humarap sa kanya ang lalaki "Pare ano bang problema mo!?, pinagtitripan mo ba kami!" bulyaw ng lalaki sa kanya, naamoy nya ang hininga nito, amoy alak! kaya pala lasing eh sabi nya sa sarili wag ko na lang patulan,
"Hindi po boss, pasensya na ho!" sabi nya na nakikiusap para wag ng lumaki ang gulo.
"tarantado ka pala eh, wala pala eh bakit kanina ka pa tingin ng tingin dyan!" pamimilit ng lalaki,
"Hindi, hindi po boss, sorry po!"
"Gago ka pala ako ba pinagtitripan mo! di mo ba kilala kung sino ako!" sabay amba ng suntok buti napigilan ng kasama nyang babae
"Hon tama na, ok lang yan, hayaan mo na sya"
"Anong hayaan! bitiwan mo ako! bastos tong tarantadong ito" tinabig ang kamay ng babae at sabay sunggab sa braso nya,
"sira ulo ka! " gigil na gigil sa kanya ang lalaki,
"mama para! ipara mo!" bulyaw ng lalaki sa driver.
"ipara mo sabi eh! pulis ako!" sabay bunot ng baril nito, tumigil ang jeep sa tabing kalsada,
"Baba! doon tayo magtuos sa baba!" ang haltak ng lalaki sa kanya. samantalang wala namang kibo ang ibang pasahero dahil sa takot na baka madamay pa sila.
"boss, hindi po! hindi po! wala naman akong ginagawang masama sa inyo eh" sabi nyang may pakikiusap at halong takot na sa nangyayari, wala naman talaga syang ginagawang masama eh, di naman siguro kasalanan yung mapatingin ka sa kanila diba?.
"Anong wala Putang ka! mamimili ka ng pagtitripan mo ha!" habang kaladkad sya pababa ng mamang pulis.
"Hon tama na yan! pabayaan mo na sya" ang habol naman ng kasama nitong babae.
"wag po boss, wag po, pasensya na po kayo, sorry na ho!" habang pilit syang pumapalag sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki sa braso nya, hawak parin sa kabilang kamay ang mga dala dala nya.
"Halika rito sa baba! gago ka" sabay hablot sa buhok nya para tuluyan na syang maibaba. wala syang nagawa kundi bumaba dahil sa pakakabaltak ng lalaki sa buhok nya.
"hayup ka!" sabay sipa sa tagiliran nya ng lalaki, bumalandra sya sa estribo ng jeep, sinuntok sya sa nguso, naramdaman nya ang mainit na likidong umagos galing sa kanyang labi, kasunod noo'y sinikwat sya sa sikmura ng baril ng lalaki, namilipit na sya sa sakit ng pagkakataong iyon, paluhod syang bumagsak sa lupa. nandilim na ang kanyang paningin, nagsisisigaw ang kasama nitong babae para awatin ang lalaki pero di ito pinapansin ng lalaking pulis, walang ibang tao sa paligid upang umawat.
Muling papalapit ang lalaki patungo sa kanya, nakita nyang ikinasa nito ang hawak na kalibre .45, nakaramdam na sya ng panganib, delikado ito! Kailangan na nyang gumawa ng paraan kundi malamang eh papatayin sya ng lalaki dahil mukhang wala ng pinakikinggang paliwanag ito dahil siguro sa kalasingan. naalala nya ang labaha sa likuran nya gamit nya sa pag-aahit sa twing manggugupit sya. pasimple nya ito hinugot sa bulsa. kahit man lamang makatabla, sabi nya sa sarili. hindi sya dapat magpahalata kunwari ay hinang hina pa sya.lumapit ang lalaking pulis sa kanya, pasakdol syang dinampot nito at iniangat,
"Hayup ka! di mo ba ako kilala huh!" sabay tutok ng baril sa kanyang noo,
"Gago ka! ang dapat sa mga katulad nyo ay pinasasabog ang bao ng utak" sigaw sa mukha nya ng lalaki.
Simbilis ng kidlat ay nakapihit sya patungo sa likuran nga lalaki dahil sa malambot na pagkakahawak nito sa braso nya, sabay tutok ng labaha sa leeg ng lalaking pulis pAara sana takutin ito at ibaba ang baril ngunit mabilis na pumalag ang pulis at akmang puputukan sya sa tagiliran kaya tinuluyan nya ito. bumagsak ang lalaki, laslas ang leeg, hahagok hagok sa paghinga, kayat ang dugo sa kalsada.
"Dencioooooooo!!!!" sigaw ng babae,
Pagkarinig nito'y nataranta na sya, kailangan nya ng makaalis dito bago pa man dumating ang mga pulis. tatakbo na sana sya ng mapansin nya sa kalsada ang gatas at ang ipapasalubong nya sa mag-ina nya. bumalik sya at mabilis nyang dinampot ang mga ito at tumakbo papalayo. ngunit hinarang sya ng ilang mga kalalakihan, may hawak na mga pambambo. delikado sya iba ang tingin sa kanya ng mga naroroon. akala kriminal sya talaga.
"Teka mga pare, pinagtanggol ko lang ang sarili kasi..." Blag! dipa sya tapos magsalita may tumama na sa batok nya na ikinahilo nya, sabay hampas ng tubo sa mukha nya, bagsak sya sa kalsada. pagkatapos ay hindi na nya alam kung ano ano pa ang tumatama sa katawan nya dahil wala syang ibang naramdaman kundi puro sakit...
Naulinigan na lang nya ang sigaw ng mga rumespondeng pulis "Tama na yan!" lumuwag ng kaunti ang paghinga nya. alam nyang sa presinto ang bagsak nya pero mabuti na yun kesa patayin sya sa gulpi ng mga tao.
Isakay na yan! dalhin sa presinto! bulyaw ng isang matabang pulis, nilapitan nito ang biktima na nakadapa at kasalukuyang tunatangisan ng kasama nitong babae,
"mabait naman sya eh, lasing lang talaga sya ngayon, huhuhuhu!" hagulgol ng babae,
Itinihaya ng pulis ang bangkay, "anak ng! si Morales to ah!" gulat ng matabang pulis ng masino nya ang nakatihayang bangkay...
"gago pala itong lalaking ito eh, di na kinilala kung sino ang dinale nya!" "sige benitez isakay mo na yan at ng maibayahe na" sambit nito sa isang katabing pulis. "Tsip ipinagtanggol ko lang naman ho ang sarili ko eh" pagpapaliwanag nya habang inaakay sya patungo sa mobile ng mga pulis, "sakay" sabi ng isa pang pulis.
"Tsip baka pedeng pakidampot ho nung mga dala ko, para ho sa pamilya ko yun eh" may tinig pagsusumamo nya sa mga pulis. tiningnan ng pulis ang tinutukoy nyang dala nya na nakakalat pa sa kalsada, sabay lingon sa kanya.
"hindi mo na kailangan yan" may ngising pahayag nito sa kanya.
"pasok!" paasik na sabi nito sa kanya habang itinutulak sya sa loob ng sasakyan.
"tumawag ka ng ambulansya, para madala na sa morge si morales" utos ng matabang pulis sa isang tauhan nya
"oh! kayo, wala kayong nakita ah!" sabi ng nito sa mga nakikiusyosong naroroon.
Tapos sumakay sa mobile na kinaroroonan ni Ben at umusad patungo sa isang liblib na lugar.
Krinnggg..... Krinngggg... Krinnggg...
Kinapa ko ang cellphone sa tabi ng unan ko, mariing pinisil ang isang button nito.
Ang alarm ko walang awang niririndi ang tenga ko sa malakas na tunog nito, kaya pinatay ko muna dahil ayoko pang bumangon, ng biglang may magsalita
'Hello, Hello" sabi ng nasa kabilang linya,
pambihira may tumatawag pala akala ko alarm ko yun!
"Yes Hello, who's this?" malumanay kong sagot at inis dahil sa naistorbo sa pagtulog.
"Hello Rein, are you still asleep?"
'Nak ng tinapay boss ko pala, tumatawag sa cellphone ko akala ko kung sino, katangahan ko kasi diko muna tinignan kung sino ba ang tumatawag, o pinagkamalan ko lang kasi na alarm.
"No sir... i'm preparing to go to work now" ang agap kong sagot habang pilit na pinasisigla ang matamlay na boses dulot ng pagkakahiga, at pananakit ng katawan at ulo, kagabi pa kasi masama ang pakiramdam ko.
"Anyway, I have an appointment to Mrs. Darin for the payment of glass door at 9:00am, but unfortunately I receive an emergency call from my association we have an emergency meeting, I’m on my way now. will you please meet Mrs. Darin 'coz its very important to settle it now." litanya ng boss ko habang pilit kong pinagiging normal ang sarili ko.
" Ahh, Yes sir, of course i will" sagot ko habang tumitingin sa relos ko, My gulay! 8:30 na pala! 9:00 ang appointment!
"Don’t be late, coz it’s very important!" ang halos diko na narinig na bilin ng boss ko, dahil sa pagmamadali na bumangon at mag-ayos.
Dumeretso na ako sa banyo pagbangon ko, nagbuhos lang ako ng tatlong tabo, pagkatapos nagsepilyo, hinanap ang kaisa-isa kong wash and wear na polo para dina mamalantsa, sakto andito pa, nagsuot ng pantalon, suklay ng kaunti, larga na. sa ngayon mahalaga ang bawat segundo di na pwede ang magpatubay tubay gaya ng dati.
"Nay alis na ako!"
"Teka yung almusal mo!" ang habol ni inay,
"Di na ho! takpan nyo na lang at aalmusalin ko na lang mamayang gabi."
Paglabas ng bahay pinara ako ng isang kapitbahay,
"Kuya pasaan po kayo?" anak ng' kailangan ko ba talagang sagutin pa yun?
"Papasok sa trabaho, bakit?" ang may pagkainis kong sagot,
"San po? dasma, bakit ba?" naman! parang imbestigador ng bayan!
"Ah ayos! pasabay naman po..." hay yun lang pala, sya sakay...
Habang daan nagkukwento sya, mag-aaply daw sya ng trabaho kaso kulang daw pamasahe nya kaya swerte daw sya at nakasabay sakin menos pamasahe daw, grabe na kasi taas ng pamasahe ngayon kuya, wala ng tigil sa pagtaas noh?
Diko sya pinapansin dahil abala ako sa pagpisil sa silinyador dahil ilang minuto na lamang ang natitira sa oras sa usapan ng kausap ko.
"Tapos wala ka namang trabaho para pagkunan ng pamasahe, napakahirap namang makakuha ng trabaho kuya, ang hanap ng mga kumpanya mataas ang pinag-aralan mo kahit janitor lang inaaplayan mo, tapos gusto pa galing ka sa prominenteng eskwelahan, sira ulo ata yung mga yun eh."
"Tapos ang gobyerno nagbibigay nga ng jobfair eh sa initial interview palang ibabagsak kana, kasi hanap nila yung may experience daw, eh anak ng bakule naman kuya paano ako magkakaroon ng experience eh ayaw nga nila akong tanggapin, diba? yun ba yung fair?"
Ngumingiti ako paminsan tanda ng pag-sang ayon sa mga sinasabi nya, pero dina sumagot dahil nakatutok ang mata ko sa kalsada. tuloy lang ang kwento nya, hanggang sa makarating kami ng isang stoplight, natrapik na naman ako dito dahil sa pagsisiksikan ng mga pampasaherong jeep at bus,
"Eto ang isang kinaiinisan ko sa mga jeep at bus na to!" ako naman ang nagsalita,
"Ginagawang pilahan ng mga abusadong driver nito ang stoplight eh, tuloy naabala pati yung mga nagmamadali, manong kapag green eh tumuloy na, aba'y inaantay pang mag-red light ulit para lamang makapanatili sa pwesto at makapag-antay ng mga pasahero, tapos to namang mga buwayang pulis at traffic enforcer nakatayo lang, manong sitahin! tapos halata namang kolorum yung iba di hinuhuli, dahil balita ko may lagay na yung asosasyon nila sa itaas. hay naku! ugali nga naman ng mga ito, mula sa pinakamataas na kawani ng ahensya nila hanggang sa mga ordinaryong traffic enforcer, korap! gobyerno nga naman, tsk stk," ang iling ko pa. Nakalampas naman kami pagkatapos maubos ang malaking bahagi ng oras ko sa paghihintay, diin ulit sa silinyador para makahabol sa appointment, tumingin ako sa relos menos singko para alas nueve, mahuli man ako mga sampung minuto lang siguro, wag lang magkaka-aberya. pwede na, dadaanin ko na lang sa dramahan ang pagpapaliwanag.
Malapit na ulit sa susunod na stop light, pero… parang dininig ni madam rosa ang pangamba ko, may naramdaman akong kakaiba sa takbo ng sasakyan, parang kahit anong diin ko ng silinyador eh ayaw ng bumilis, hahabol pa naman sana ako sa nagkukulay dilaw ng stoplight.
Nawawala unti unti ang tunog ng makina, parang naghihingalong pusa, sisinghap singhap, tapos naramdaman ko kumakadyot kadyot na, anak ng pating bulong ko bakit ngayon pa ata ako masisiraan. wag naman sana! "Ano ngangyayari?" tanong ng nakisakay sakin,
"Diko nga alam eh, parang nasiraan ata ako." Itinabi ko muna ang sasakyan. tapos pinakiramdaman, pinalamig ng kaunti baka kako sumuko dahil sa labis na diin ko sa silinyador,
Pagkalipas ng ilang sandali ini-start ko ulit, ayaw! start ulit, ayaw padin, sinubukan ko ulit. ayaw padin.
"Baka naman wala ka ng gas kuya..." sabi ng katabi ko,
"Huh!? oo nga noh," pero diko naisip yun dahil kahapon lang ay nagpakarga ako ng P200 na gasolina, imposibleng maubos yun dahil wala naman akong pinuntuhan kundi opisina lang at bahay, tantyado ko ang itinatakbo ng ikinakarga kong gasolina, dahil araw-araw kong ginagamit ito. ang apat na litro kong gasolina ay makakapasok na sa trabaho, makakauwi tapos makakapasok pa ulit kinabukasan, pano mauubos ang isinalin ko kahapon! imposible...
Eh kaso sa itsura ng sasakyan mukhang gasolina nga ang hinihingi, dahil sinubukan ko ulit istart eh ayaw talaga, tapos naalala ko tatlong beses na nga palang nagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong linggo, malamang nga ay mali na ang karkulasyon ko. hay naku talaga!
Pesteng pagtaas ng gasolina talaga yan! daming napeperwisyo, isipin mong sa bilis nilang magtaas ng gasolina eh di mo na namamalayan na yung ikinakarga mo palang gasolina dati ay halos kalahati na ang nababawas! dati ang P200 mo ay mahigit ng apat na litro ang maikakarga, ngayon eh kulang kulang tatlong litro na lang ang P200 na halaga ng gasolina, napakalaking kawalan nga nito sa mga katulad kong tantyado lamang ang lagay ng gasolina sa tuwing magpapakarga ng gas, biruin mong dahil sa walang tigil na pagtaas nito ay magaganap sakin ang kalbaryo sa araw na ito.
Walangyang gobyerno yan! ang bulong ko sa sarili ko, wala man lamang ginagawa upang pigilan ang pagtaas ng gasolina, sunod sunuran sa mga taong may lakas para mapatalsik sya sa pwesto, sa mga taong malaki ang buwis na ibinabayad, sa mga taong posible na namang pagkunan ng pondo sa susunod na eleksyon, sa mga taong kumukontrol ng ekonomiya at malalaking negosyo na maaaring pagkakitaan ng mga ganid sa gobyerno, haaayy! bwisit na pilipinas!
"Wala na ngang gas yan kuya, eh pano kuya nagmamadali ako eh dito na lang ako, malapit na naman ako, ok ka lang dyan kuya?" Ok ka dyan ! sabunutan kaya kita! kita mo ng naubusan ng gasolina sa gitna ng pagmamadali yung tao tatanong mo pa kung ok! ang sabi ko sa isip ko.
"Sige ok lang ako dito, bibili na lang ako sa may malapit na gasolinahan."
"Sige kuya salamat sa sakay ah..." sabay takbo ng loko, ni di man lang ako inalala na tulungan.
Sabagay gusto ngang magkatrabaho ng bata eh baka malate pa sa interview, samantalang ako eto mukhang mawawalan naman ng trabaho dahil late sa appoinment.
Naalala ko bigla late na nga pala ako, hinugot ko muna ang cellphone ko, tinawagan ang katagpo sana, pinagbigay alam ang kalbaryo ko ngayon, sabi ko baka malate lang ako ng kaunti. pumayag naman maghintay ang kausap ko, salamat naman kung ganun.
Dali dali akong kumuha ng basyo ng bote para paglagyan ng gasolina, bumili ako ng gas, pagdating sa gasolinahan… "Boy! pakarga naman ng premium, punuin mo na ito..." "Ay boss dina po pedeng pagkargahan yan ngayon," ang tinutukoy nya ay ang dala dala kong bote ng 1.5 litro ng pepsi.
"Huh?! bakit naman di pede?" "Eh kasi boss madali daw matunaw yan lalo na kapag gasolina ang ikakarga." "Kung gusto nyo boss eh, bentahan ko na lang kayo ng bote dito samin." Ayun! Kaya naman pala..
"Magkano naman?" tanong ko
"P15 po yung isang litrong lalagyan."
Huh!? walangya hanggang dito ba naman may anomalya padin!
"Sige wag na lang!" Sino lolokohin mo, sabi ko sa sarili habang lumilipat sa katabing gasoline station, yun bote naman ibinebenta eh basyo ng langis na itatapon na nila sana. Tapos ibebenta sayo na daig pa ang bagong bote, pananamantala na yan ah!
Pagdating sa kabilang gasolinahan ganun din pala bawal nga daw yung bote na dala ko kasi nga eh posible daw matunaw ng gasolina yun, humingi na lang daw ako ng bote dun sa may crew nila na pedeng paglagyan , ayun ayos! pinamimigay lang pala talaga yun, samantalang sa kabila eh P15 ang sinisingil sayo, talaga nga naman ang ibang mga pinoy oo!
Pagkasalin ng gas, pumara ako ng tricycle para pahatid, pagdating sa destinasyon inabot ko ang bente kay manong.
"Wala ka bang barya? kalalabas ko lang kasi eh,"
Walastik manong alas dyes na ng tanghali kalalabas mo palang sabi ko sa sarili, eekk!!! sabagay ako nga ngayon pa lang papasok eh, naghanap ako sa bulsa eh wala.
"Teka manong sabi ko dito ata sa sasakyan may barya ako," naghanap ako sa lagayan ko ng barya, nakakuha ng P10.
"Eto po manong oh," "Ok sige salamat!" sabi ng driver pagkaabot ng P10 at sabay arangkada.
Teka manong hahabol ko sana, may sukli pa akong dos,pambihira talaga oh otso lang ang pamasahe eh!
Sabagay mahal na nga pala ang gasolina ngayon baka nagtaas na din ng biglaan si manong ng pasahe at di na naantay pa ang desisyon ng LTFRB sa napakabagal na pagproseso sa dagdag pasahe na hinihingi ng mga drivers.
Pagkatapos kong maisalin ang gasolina ay dali dali ulit akong lumarga, pagdating sa sumunod na stoplight eh nakita ko trapik na naman dahil sa ugali ng mga jeep at bus na gawing pilahan ang stop light, kumanan ako sa isang subdivision para makapagshort cut at mapabilis ang pagbyahe ko, dina uubrang makipaggitigitan ako dun.
Pero pagdating sa gate gaya ng kinagawian kailangan mong maglabas ng P5 ulit para sa tiket na inaabot ng mga guard ng subdivision, na hindi ko sukat maunawaan kung bakit kailangan nilang pagbayarin ang mga dumadaan sa kalsadang iyon. samantalang kung tutuusin ay bahagi padin naman ito ng lupa ng gobyerno na nilagyan lamang nila ng gate at tinayuan ng mga bahay na magagara, biruin mo sa araw-araw na paglampas mo dun eh babayad ka ng P5 eh kung sa loob ng isang taon magkano na yun? 5x365= P1,825!
Walastik gasolina ko na yan sa sampung araw ah...
Hayaan mo na nga di bale na! kailangan kong sumunod sa batas nila ngayon dahil nagmamdali ako.
Bago ako makalabas sa subdivision na iyon may sinusundan ako na sasakyang medyo bulok na, may kargang mga plywood, mabagal ang takbo, gusto ko sanang maunahan kaso nasa gitna ng kalsada at ayaw tumabi, napansin ko ang plaka, kulay pula! kaya naman pala! sabi ko...
Tapos maya maya biglang tumigil sa gitna gitnang kalsada talaga, namatay ang makina, pilit binubuhay ng driver, nakailang start, buti na lang umistart ulit... nakahinga ako ng maluwag kala ko maaabala na naman ako kung kelan malapit na ako.
Pero maya-maya ulit ng kunti ay tumigil na naman, namatay ulit ang makina. Pambihira naman parang gusto kong sabihing silaban na lang kasi yun , ginagamit pa kasi eh isang kalawang na lang ang pipirma dun eh sa junk shop na ang destinasyon ng sasakyang iyon, pag nakita nga sila ng trak ng pepsi tyak hahabulin ang mga iyon para kunin ang sasakyan at gawing tansan! ang nakakainis pa nito ayaw man lang tumabi ng driver! kung bakit nasa gitna padin sya ng kalsada naabala tuloy pati ang mga nasa likuran nya!
Nakadalawang ulit pang ganun ang mokong bago ako tuluyang makalampas sa kanya, talaga naman oh! bulyaw ko sa sarili, manong palitan na ng gobyerno yung mga sasakyang bubulok bulok na, na ginagamit sa pagganap ng tungkulin ng mga pangkaraniwang empleyado nito at hindi yung taon taon eh nagpapalit ng bagong modelo ng sasakyan ang mga nasa matataas na posisyon ng ahensya nila, at palitan na din ang mga abusadong driver at mga kawani nito. Na parang mga hari sa kalsada komo nakapula ang plaka nila! hay naku!! kainis talaga!
Pagtingin ko sa relo alas dyes na, eh alas nueve ang appointment.
Resulta! isang oras akong late!
Buti na lang nadala ko sa dramahan moment ang katagpo ko at buti na lang pilipino ang kausap ko this time dahil mauunawaan nya ako (filipino time hehe) ayos talaga ang pinoy no?
At buti na lang hindi ko na pinansin ang simangot nyang mukha, at di maitagong pagkainip... (patay ako kay boss!)
Natutunan ko… wag sisihin ang gobyerno sa kamaliang ikaw mismo ang may kakulangan. Kung gumising ako ng maaga diko dadanasin ito!
 | pandango | Jun 11, '08 9:07 AM for everyone |
Pandango sa ilaw, isang sayaw na sinayaw ko noong elementary ako, isang sayaw na kung aakalain mo ay madali lang, kunting indak, poise at, smile oks na para sa mga nagpagod na guro at natutuwang mga magulang at mga nagkakantyawang kaeskwela. pero hindi pala ganun kadali ang sayaw na ito, isang masalimuot na sayaw lalo na't hindi lang katawan ko ang sumasayaw ng pagkakataong iyan.
Kasabay ng taldik ng mga paa sa saliw ng tugtuging luma, ang indak ng aking puso na bago sa pakiramdam. Hindi pa ako sigurado kung ano, basta mas mabilis ang kabog nito kasya sa tunog ng tugtog na aming sinasayaw.
One, two, three, four. One, two. three, four. One, two, three, four. One, two, three, and four. bawat galaw may bilang, na siyang ring bilang ng pagsulyap ko sa maamo mong mukha, sa matangos mong ilong, sa bilugan mong mga mata, sa makipot mong labi, at sa mapula mong pisngi. Nais ko sanang mahawakan ang tila napakalambot mong mga kamay, kasabay ng pagpitik nito at pagkampay sa hangin, ninasa kong madampian kahit masagi lamang ng aking mga daliri. Subalit alam kong sa kaunting pagkakamali'y mawawala tayo sa ritmo ng sayaw kaya wala akong magawa kundi ang sumunod sa bayle ng tugtog. At ang kislot ng iyong balakang na syang tumatawag ng maraming mga mata ay hindi rin pinaligtas ang aking paningin. Ang makinis mong paa na bihasa na sa pag-indak dulot ng palagiang ensayo ang syang naging inspirasyon ng akin namang mga paa.
Haaayyy... kaysarap ng pakiramdam ngayong kapiling kita sa entablado, sana hindi na matapos ito. sana habang buhay na lang tayong magsayaw.
Ngunit isa pang mahirap intindihin ay kung bakit ang kapareha mo ay kasayaw ng iba. Kasama mo lang sya sa entablado, kasabay sa pag-indak, kasaliw sa tugtog ng ritmo, pero kailanma'y di sya magiging sayo.
Bakit nga kaya ganun? Kung sino gusto mo ayaw sayo. tapos ang mahal nyang iba ayaw sa kanya. Tapos di mo naman pinapansin ang nagpapansin sayo. Ang gulo! parang sayawan na di magkakapareha ang talagang magkapareha. Bakit ba kasi kailangan ko pang tumingin sa kapartner ng iba gayong may sarili naman akong kapartner, kirot lang tuloy sa puso ang nararamdaman ko eh.
Alam kong kahit anong gawin ko'y talo ako... Napakalaki ng agwat ng aming katayuan, pero kagaguhan ko'y umasa ako sa kasabihan ng iba na hindi materyal na bagay ang sukatan ng pag-ibig kundi ang dalisay na puso. Kaya nakipagsapalaran ako... Huli na ng malaman kong sa dalawa'y nalamangan ako.
Mahapdi ng minsang binalak ko ng aminin sayo ito. Kasing hapdi ng mapaso ako sa kandila mo. Nagmukha lang kasi akong gago na naghahabol sa buto na tangay tangay na ng ibang aso. Ilang ulit ko na ding pinagpraktisan ito pero bakit sumasablay pa din ako? dahil ba sa mali ang paghawak ko sa kandila o wala sa kandila ang atensyon ko? pati paggalaw ng mga paa ko pagkaminsa'y sintunado.
Kinulong ka nya sa isang tugtuging alam kong di mo matatanggihan. Nais kong agawin ka at ipinid dito sa puso ko, dahil alam kong masasaktan ka lang sa kanya. Kung sa akin ka'y walang tigil kitang isasayaw hanggang sa ang tugtog ang kusang mahapo. Ngunit sadya atang mapagparaya ang puso o talagang tanga lamang pagdating sa pagsuyo. Hinayaan ko kayong magtanghal sa harapan ko dahil alam kong ito ang gusto mo, ito ang nagpapaligaya sayo. wala akong nagawa kundi ang panoorin lang kayo. Ngunit sa likod nito'y parang dinudurog ang puso ko.
Katangahan ko kasi alam ko namang hindi na pwede, pag-aari na sya ng iba, imposible ng mapansin ako. bakit pinipilit ko pading kumbinsihin ang sarili ko na may pag-asa pa ako, na ipaglalaban ko pa sya, pero bandang huli magpaparaya lang din pala ako.
Pero ganun pa man may hatid na aral sakin ang mga bagay na ito. Natuto akong sumayaw ng pandanggo sa ilaw... at umindak sa mundo. Natutunan ko din na masakit mapaso sa kandila na ng iba, maliit man ang apoy pero mahapdi, lapnos, at nagmamarka sa puso. hindi ka makakain, hindi ka makakatulog, umaantak ang sugat lalo na kapag gabi, malamig, at tahimik... puso at utak ang apektado.
Ganun pa man nais ko pa ding sumayaw... Pero sana... ikaw lang at ako... sa entablado.
Note: ako mismo ang nasa larawan... wala lang! trivia lang hehe...
 | MANGGA | Jun 3, '08 1:11 AM for everyone |
ANG MANGGA Oh! mangga Oh! mangga Saan ka nagmula Ikaw ba'y ginawa O kinalat na kusa Sa parang o bukid Dun ka iniluwa Mata't kaluluwa Daming natutuwa SA simula'y bulaklak lang Nang lumaki'y tila gatang Sa tiyan ay pedeng ilaman Pag hinog na'y mas mainam Ngunit nakakapagtaka Puso ng tao ang kamukha Na tila dun nagmumula Dalamhati at mga luha Anyo at hugis ay tila May lamang mga talinghaga Na bumabalot sa diwa Sa bagong tao'y sariwa Kulay ginto ang kapara Pag nahinog na't suminta Nililibing kapagdaka Upang muli'y magsimula May isang naghinuha Mangga'y kanyang makukuha At mahihinog na kusa Sa panahong kanyang takda At doon ay pipitasin Ang hangal na damdamin AT timyas na sisipsipin Ang pag-ibig na masinsin Ngunit payo ko kabobo Umaagap ka ng totoo Pwede namang ikalburo Upang maaga sumubo Pagkat kinakatakot ko May ibang pumitas nito At sa pagkakahintay mo Luha lang ang 'yong mabuo Dinggin ang matandang sabi Mumutawi saking labi Nag-abang at di gumawa Parang nag-antay sa wala Pag nainip at nagsawa Tyak na puso mo'y luluha
hehe payo ko tong tulang ito kay doobie, dahil sa paghihintay daw nyang mahinog ang mangga nya, eh ang mahirap ang mangga nya wala syang palatandaan kung kelan mahihinog, kaya delikado diba, baka sa kahihintay nya eh bulok na pala, o kaya malingat sya at may pumitas na palang iba, kaya dapat agapan na lang nya diba? am i right or left?
Anime fanatic tawag sa mga taong mahihilig sa anime, mga cartoon stories na gawa ng hapon. "Manga" naman ang tawag sa mga collector ng anime, madami ang nababaliw dito dati, bata, matanda, isip bata, at isip matanda. isa na ako dito, talaga naman nakakaaliw eh. dahil kahit alam mong niloloko ka lang pero napakasarap naman nyang panoorin. syempre sino ba naman ang maniniwala na ang isang tao ay may super power na kayang gumiba ng bundok sa isang suntok lang, at saka kahit tamaan ng super bazooka eh di man lang nagasgasan dahil sa matinding "nen" na gamit nito. saka yung pwersa ng katawan na kayang ipunin sa daliri o kamay para gawing sandata na kayang gumunaw ng isang planeta, whooosss...! grabe yon! pero wag ka dahil ang maganda nun ay may malalalim na paliwanag kung bakit nila nalilikha yun, gaya ng "nen" ni gon, killua, at saka ang "ray gun" ni eugene at "kamehamewave" ni gouko... kaya intresting ang dating eh. ang paliwanag ay inilalapit nila sa katotohanan kaya maaliw ka sa paliwanag nila, tapos ang galing pa ng mga isrtorya nila mahaba pa ata sa nobela ang istorya ng isang anime story eh, sinasabing si Osamu Tezuka (creator of astroboy) ang siyang itinuturing na ama ng mga anime, yun nakalikha ah hindi tatay as in... hanggang ngayon nga fanatic pa din ako nyan anime na yan eh, marami rami na rin akong nasubaybayan na mga anime mas gusto ko yung tinagalize na kasi mas nauunawaan ko yung mga paliwanag nila kahit na ang simpleng hikbi, buntunghininga, tingin, at galaw ay napapalabas nila ang kahulugan nito eh. narito ang ilan sa mga nasubaybayan kong anime... 1. Btx ........ author- Masami Kurumuda medyo luma na ito, napanood ko to sa channel 7 ata taong 1997, eto yung anime na may mga BT sila yun bang mga robot na mga hayop ang itsura pero may sariling isip at puso ang mga ito,kwento ito ng bidang si Teppei, tapos ang BT nya ay si X. hinahanap nya ang kapatid nyang scientist na dinukot ng machine empire dahil sa katalinuhan nito ay maari syang pakinabangan doon. sa daan ng paghahanap nya ay nakakasagupa nya ang mga kalaban. BT- mga robot na may sarilinfg mga isip at ang sinusunod lamang ay ang nagmamay-ari nito, ang pinagmumulan ng power nila ay ang tinatawag na "breakheart" na pinagagana ng dugo ng tao. kapag naisalin na ang dugo sa breakheart ng BT nagkakaroon ng special na ugnayan ang BT ang ang donor nito. Main characters: Teppei Takamiya(Bt-X), ito ang bida, kapatid nya na si Kotarou. Lafine(Bt-phoenix), Ron(Bt-dragon), Hokuto(Bt-Turtle), Karen(Bt-Shadow) 2. Gundam G...... author- Yasuhiro Imagawa Mas luma ito kasya sa Gundam wing, mas gusto ko ito kasi mas primitive ang style nya, ito yung mga tao naman na sumasakay sa isang robot (na tinatawag na gundam) na nababalutan sila ng parang itim na alkitran sa loob ng gundam kapag papasok na sila doon pagkatapos isigaw syempre ang pangalan muna ng kani-kanilang gundam, tapos kung ano ang ikilos nila yun ang mismong ikikilos ng robot. kuwento ito ng labanan ng mga gundam na ang bida ay ang gundam God at ang kalaban na mortal syempre ay ang gundam the devil... Main Characters: Domon Kasshu (Shining Gundam o Gundam the god), Rain Mikamura ang leading lady nya. 3. Zenki.... author- Kikuhide Tani at Yoshihiro Kuroiwa eto yung anime na twing sisigaw si cherry ng "tanggalin ang sumpa kay zenki!" eh ewan ko ba kung bakit kailangan pang ipakita na nililipad ang palda ni cherry at ipakikita ang panty nito, pagkatapos nyang isigaw ito lalaki si zenki na dating maliit. si zenki ay ang halimaw na mabuti at mahilig kumain ng "binhi ni karuma"... 4. Dragon ball Z..... sino ba hindi makakakilala dito, inosente na lang ata yun hehehe, si Akira Toriyama ang lumikha ng kinabaliwan ng lahat na anime na ito, pero sabi sabing mga Pilipino daw ang halos lahat ng artist nito ayon lang sa concept ng hapon, eto yung may pamosong tira ng bida na "kamehamewaveeeeeee!!!" kwento ito ng napakaraming istorya hehe, paghahanap ng dragon ball na lagi na lang nilang kinakailangan pero pagkatapos nilang gamitin ay iniwawala din naman nila. Main Characters: Goku, Gohan, Gotenk, Piccolo, Vegeta, Bulma, Trunks, Chichi, Kuririn, Yamucha, Yajirobe, Tenshinhan, Chaozu, Videl, Dende, Mr. Popo, Karin. Kami, Kaio, Mr. Pogi, Great King Kai, Cell, Android 16,17,18, Majinbuu, Freeza, Pan, Babidi, at napakarami pang iba. 4. Flame of Recca.... author- Nobuyuki Ansai pinagbibidahan ng isang ninja nagngangalang Recca Hanabishi na ang sandata ay apoy, dito siguro nauso ang electric fan na ang tatak ay Hanabishi, para mapatay ang apoy ni recca, kwento ng isang nakatakdang bida na walang ibang nais sa buhay kundi iligtas ang kanyang prinsesa. at ang hadlang sa kanya ay ang mismong kapatid nya na ang sandata ay apoy din, pero malamig na apoy (meron ba nun) daw sa pamamagitan ni kurenai. ito ay isang game fight na gaya ng wrestling na may refeere yun nga lang eh may kapangyarihan ang mga kalahok, pero gaya ng wrestling na WWF ay nakatakda na kung sino ang mananalo. Main Characters: Recca Hanabishi ang bida apoy ang gamit, Yanagi Sakoshita, ang kanyang prinsesa may kakayang magpagaling ng kahit anong sakit, Fuko Kirisawa hangin namna ang kapangyarihan, Domon Ishijima, may singsing sa ilong na syang nagpapalakas sa kanya, Tokiya Mikagami, kung may baril na de tubig, sya may espadang tubig, Kurei, half brother ni Recca at kalaban mortal nya, phoenix ang ginagamit nyang apoy na galing sa kasintahan nyang si kurenai na pinatay ni Koram. 5. Doraemon.... author- Hiroshi Fujimoto o "Fujiko F. FUjio" ang makulit na pusa na hindi naman mukhang pusa kundi mukhang bola na may mukha, may bulsang isang pulgada ang lapad pero nakapaloob na sa bulsang ito ang lahat ng bagay sa mundo kahit ang hindi mo pa naiisip andun sa bulsa nya, madalas isinisigaw nya gamit ang matinis na boses ang mga bagay na ilalabas nya dito ayon sa kailangan ni nobita gaya halimbawa "ang lumilipad na papeeeeelllll". galing sya sa future para alagaan si nobita na tamad sa pag-aaral at pilyo. Main Characters: Doraemon, Nobita, Shizuka, Suneo, Gian o Damulag. 6. Samurai X.... author- Nobuhiro Watsuki ang bida dito ay si Kenshin Himura na kilala sa tawag na "batosai" isang samurai na malupit noong kapanahunan nya pero nagbago na paglipas ng panahon, isang kwentong may bahid pulitika ng bansang hapon noong unang panahon, gumagamit sya ng estilong "hitten mitsurugi" gamit ang espadang baliktad ang talim, upang maiwasan ang pagpatay, di nya na kasi nais pang pumatay at naniniwala sya sa ngayon na hindi pagpatay ang kailangan sa pagbabago ng kaniyang bansa. Main Characters: Kenshin Himura ang bida, Kamiya Kaoru ang leading lady nya, Sanosuke malakas ang pisikal na katawan na wala sa itsura nya, malakas lumamon partners ni kenshin, Yahiko tagahanga ni kenshin at nag-aral ng espada kay kaoru. 7. Trigun.... author- Yasuhiro Nightow kwento ito ng mga baril hehe, si Vash stampede ang bida. may patong ang kanyang ulo na 60 bilyong dolyar bilang pabuya sa makakahuli sa kanya, dahil sa pagsira nya sa syudad ng july pero di nya maalala dahil sa amnesia. wala atang ginawa ang bida kundi maglakbay at pabalaban sa mga humahanting sa kanya, ang maganda dito gaya ni kenshin di rin sya pumapatay, sa paglalakbay nya napasama sya kay Nicholas WoolfWood na isa ring mahusay sa baril gaya nya alam pinababatayan pala sya dito ni Knives para iassasinate din pero dahil tumanggi syang gawin ito ay dalawa na silang target ng grupong gung-ho guns para patayin. dito umiikot ang istorya. may tatlong klase ng baril si Vash kaya nga ang pamagat nito ay TRIGUN eh, ang isa ay ang long barrel revolver nya, yun isa ay machine gun na nakatago sa kaliwang kamay nya, yung isa naman ay ang kanyang napakalakas na sanadata ang angel arm, laser gun ito. 8. Ghost Fighter.... author- Yoshihiro Togashi eto akala ko nung una ang kalaban ay mga multo gawa ba naman ng title nya, yun pala mga halimaw ang kalaban sa daigdig ng mga halimaw, dapat sana monster fighter ang pamagat nito, ang bida dito ay si eugene na ang sandatang pamatay ay ang kanyang "raygun" na gawa sa daliri, ang tanging pantapat sa sandaang pwersa ni taguro na kasing laki ni kingkong kapag inilabas ang tunay na pwersa, Main Characters: Eugene ang bida, Jenny ang leading lady, Alfred, Vincent, Dennis, at ang guro ni eugene na si Jeremiah 9. Naruto.... author- Masashi Kishimoto kwento ng mga ninja na may mga pambihirang lakas at kapangyarihan, pakikipagsapalaran ng mga hokage ninja para mailigtas ang mundo. Main Characters: Naruto, Sasuke, Sakura, Kakashi 10. HunterXhunter.... author- Yoshihiro Tagashi eto isa sa paborito kong anime, gustong gusto ko ang kwento nito, astig kasi lalo na nun nasa part na ng kinakalaban na nila ang generyodan o ang spiders, medyo bumaduy na nga lang dun sa greed island. pero oks pa din maganda kasi ang istorya nito pati ang pagkakalahad ng istorya, at ang mga paliwanag... ang bida dito ay sina Gon, Killua, Kurapicka, at Leorio na ewan kung bakit naging bida samantalang wala naman masyadong nagawa sa istorya. gusto ko kasi ito dahil sa fullpack ng aksyon ng mga mandirigmang makapangyarihan, interesante ang mga characters nito bukod sa mga bida, gaya nga ng mga genei ryodan isang grupo ng mga mababagsik na magnanakaw at kriminal na sabihin na nating mga matitindi ang personalities, gaya ni "pinuno" o kororo na astig na astig sa kanyang pwersa na kayang makapanggaya ng lahat ng estilo ng kalaban gamit ang kanyang libro ng panggagaya, target naman sila ni kurapicka para maipaghiganti ang lahi nya na mga kuruta. ang mag-anak na zaoldyek na mga bayarang pusakal pero mukhang malulupit na mandirigma, si hizoka, ging freecss na tatay ni gon, at halos lahat ng tauhan dito ay talaga namang nakakaaliw na panoorin at subaybay dahil sa kanilang mga karakter, masasabi kong magaling ang nakalikha ng istoryang ito, kwento ito ng isang batang inabandona ng kanyang ama na isang most famous hunter, at ng malaon ay hinanap ng anak sa pamamagitan ng pagiging isang hunter din nya. adventure ito na punong puno ng aksyon. Main |
|